Sa isang liblib na bayan katulad ng Kasibu, Nueva Vizcaya kung saan ang kuryente ay napakahalaga sa isang nagnenegosyo o pagkokomersiyo ay kailangan ng mga alternatibong kagamitan o pamamaraan. Katulad ng Romson Farm na may babuyan sa sitio Pudi ng Kasibu, bagamat may linya ng kuryente para sa kanilang pangangailangan sa negosyo ay nagkaroon ng sariling pantustos ng gaas at mga gamit at alternatibong pamamaraan sa pamamagitan ng siyensiya at teknolohiya.
Ang Romson Farm na nagsimula noong 2004 ay kay Ginoong Mr. Randolf Castillo. Siya ay may inalagaang tatlong inahin. Napayaman ng kanyang pamilya ang kanilang babuyan hanggang sa nag-aalaga na ng 30 na inahin noong 2015. Ang lahat ng mga anak nito ay inaalagaang patabain hanggang maibenta. Mahigit kumulang 12 hanggang 14 na biik ang anak ng bawat inahin. Lahat ng mga biik na ito ay kanilang pinatataba sa loob ng 4 na buwan at naibebenta. Sa isang taon ay mayroong 720 patabaing baboy ang Romson Farm. Mayroon silang sariling gilingan o pagawaan ng pagkain ng baboy at inaalalayan ng isang beterenaryo.
Sa dami ng dumi ng mga baboy, kinailangan nilang makipagsangguni sa tanggapan ng DOST Nueva Vizcaya sa kalutasan ng kanilang problema sa nakakasulasok na amoy lalo na ang kanilang bukiring na kinatatayuan ng mga istraktura na mahigit kumulang 500 metro ang layo sa ospital ng munisipyo. Sa pamamagitan ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ang Romson Farm ay napagkalooban ng pondong pagpagawa ng isang biogas digester noong 2016.
Ang laki ng digester ay 100 cu.m. Ito ay tinutunaw ang mga dumi na inilalagay sa loob ng 20-25 na araw at makakagawa ng gaas sa pamamagitan ng mga organismo. Binubuo ng digester na ito ang tatlong sisidlan ng tubig upang malinis at maaaring pandilig ng mga halaman.
Ngayon, ang Romson farm ay may 50 na inahin. Nakabili na rin ang may-ari ng mga kasangkapan para sa pagpapaanak ng baboy katulad ng karagdagang paanakan, mga kulungan ng mga biik, mga automatikong kainan at inuman at ang dalawang makina para sa paggawa nila ng pagkain ng baboy.
Ginagamit na nila ang kanilang feedmill na ang panggatong sa mga makina ay ang gaas na nagmumula sa biogas digester. Maliban sa naapula ang masangsang na amoy sa babuyan, ang proyektong naiambag ng DOST ay malaking kabawasan sa kanilang bayad sa kuryente na umaabot ng hanggang P8,000 bawat buwa at may libreng gaas gamit sa pagluluto ng mga trabahador at organikong pataba para sa kanilang halaman.
Sa ngayon, ang Romson Farm ay modelo ng mga gustong magkaroon ng babuyan na
may sariling pasilidad gamit ang makabago at alternatibong enerhiya sa pagnenegosyo.