Ang Buklod Sa Pag-unlad Consumers Cooperative sa Alfonso Castaneda ay nag-aral ng 5S of Good Housekeeping kasabay ng pangkabuhayan na pagsasanay sa paggawa ng calamansi juice noong Abril 16, 2019.
Ang nasabing pag-aaral at pagsasanay ay pinangunahan ni Engr. Jonathan R. Nuestro, ang Director ng Provincial Science & Technology Center ng Nueva Vizcaya, kasama sila Bb. Lhea Lee C. Galap at Bb. Rowena G. Da-ang, mga staff.
Kasabay din nito ang pagbisita ni Bb. Rowena A. Guzman, ang Focal person sa Community Empowerment thru Science and Technology Program ng DOST R02, sa Alfonso Castaneda Coco Producers Cooperative (ACCPC).
Ang ACCPC ay kasalukuyang benepisyaryo ng CEST ng Rehiyon Dos. Sila ay pinagkalooban ng DOST R02 noong taong 2017 ng mixer at tinulungan maipasuri ang kanilang produktong buko pie. Sa ngayon ay nakakagawa sila ng dalawang daan at limampung kahon ng buko pie mula sa walumpung kahon.