Taong 2018 nagsimulang magpamigay ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ng portasol sa mga asosasyon at mga maliliit na entreprenyur sa probinsiya.
Sa katunayan, umabot na ng isang daang unit ng portasol ang naibigay sa iba’t-ibang asosasyon, LGUs, at entreprenyur sa Nueva Vizcaya.
Sa portasol, makakasiguro sila sa kalinisan ng mga ipapatuyo nilang produkto tulad ng guyabano, kamatis, kamote, kape, luya, luyang dilaw, at cacao.
“Maganda at madaling ligpitin pag umuulan ang mga portasol…” testimonya ng isa sa mga nabigyan nito.
Ang isang portasol ay may labing-dalawang trays, isang kapote at mga poste.
Samantala, ipinaalala ni Engr. Jonathan R. Nuestro sa mga asosasyon na sana hindi lamang iisang tao ang makikinabang kundi ang buong asosasyon. By FDS